Ang hirap!
Maging nanay, yaya, taga-labas sa kanya pag gusto nya mag ‘may i go out, please?’, at higit sa lahat mahirap magtrabaho kapag iisa ang kamay mo!
Kasi naman, ganito porma naming mag-ina tuwing umaga hanggang lunch time at alas otso ng gabi (trabaho ulit) hanggang sa malapit na akong matulog.

Basta’t hindi pa oras ng pagtulog nya sa sariling ‘bahay’ nya at the end of the day, kailangan may katabi sya at kinakarga. Pag hindi mo binigyan pansin, panay kalabit at tititigan ka ng husto para kargahin mo sya.
so sino may sabi na ang aso (o ano pa man na domesticated animals) eh ‘hayop lang’ at walang nararamdaman o pag iisip? ituro mo sa akin at gagawin kong yaya ni charlie! :biggrin:
baka gusto nyo sya hiramin paminsan-minsan?





















Call me Thess. Married to a wonderful Dutchman.






October 26th, 2005 at 12:58 pm
Si Gerbie, marunong na ding mag may i go out…sobrang sweet at loving. Sabi nga ni nelson, may consuelo ka sa mga aso and/or other domesticated animals…compared sa ibang tao dyan…haaayyyy…mabuti nalang may alaga tayo, nakakapawi ng pagod at nagbibigay ng kakaibang ligaya…
October 26th, 2005 at 4:01 pm
hahaha…i know how it feels! yung blog kong nasa draft pa lang eh ganyan din halos ang timbre…charlie is soo adorable! si tildy din, kapag sinumpong ng lambing sa leeg ko naman gustong tumuntong, at ngayong uso na ang sweaters, gusto niyang pumapasok sa loob ng sweater ko…dun pa sa sya may kilikili para langhap niya ang lahat ng anghit! hahha..wawa naman tildy, kaya pala laging inaantok! :))
October 26th, 2005 at 9:49 pm
thess, napakaswerte ng alaga mo. spoiled na spoiled. at least di siya marunong mag-shopping at gumamit ng credit card. oks ang bago mong tahanan.
October 26th, 2005 at 10:20 pm
papasa yata kaming mag ina ni charlie. kaya lang in my household parang magulo kasi pag sumigaw ako ng “charlie”… dalawa ang lalapit :nyaha
pag sabi ko “charlie come to mama” dalawa ang sisiping… naku problema nga yon :)) eh di nakain pa ako ng di oras, eh si charlie pugsy lang naman ang kelangan ko. :))
October 26th, 2005 at 10:24 pm
sabi na sa iyo i fedex yan si pango dito at nang maykakulitan si seb :))
October 26th, 2005 at 10:29 pm
Ang sweet naman niya. Like my dog Cha-Cha na parati ko ring kalong or katabi pag nagsusulat ako sa workroom ko hanggang madaling araw.
October 26th, 2005 at 10:43 pm
ahaha thess, kaaliw kayong dalawa! kung kay jake ko gagawin yang kargahan na yan eh malamang mabaon ako sa lupa sa bigat niya :nyaha
paki-cuddle nga ni charlie from me kamo.
October 27th, 2005 at 8:34 am
awww…. how sweet…. :x
di ko pwedeng gawin ke lance yan, damba ang ginagawa nun sa kin, hehehe:biggrin:
October 28th, 2005 at 5:21 pm
hahaha! sige, ako gawin mo akong tempo yaya ni charlie. basta pa pakakainin mo ako pag pinagod niya ako :D
October 28th, 2005 at 5:23 pm
haha cool, lumabas mukha ko. nyahaha! :rotfl:
October 28th, 2005 at 8:38 pm
:-B:aken na pagsamahin natin nireng kakambal na boyboy namin :charlie:hug:
October 29th, 2005 at 8:47 am
wow! spoiled naman ni charlie! super! no i’m not volunteering to be his yaya. :no-no
October 30th, 2005 at 10:02 pm
aww.. haha! ang sweet nyo naman mag-ina
ang cute nyo sa pic! syempre may mga feelings din mga animals.. hehe..
mas matalino pa ata sila sa atin mga tao eh :ohstop:
yung pusa ni Shou kakatuwa, kasi love na love nung pusa ni Shou si Shou-mama, kaya everytime na umuuwi galing trabaho si Shou-mama, lagi nagiintay si pusa sa pintuan para sunduin si shou-mama.. ang cute cute